Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2006

STAINLESS LONGGANISA (Isang Suring Libro)

"Ito ang Stainless Longganisa, mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at tamang praan nG pagsususlat," Sadyang napakahirap ilarawan ang nilalaman ng ikalimang aklat ni Bob Ong. Hindi ito pumayag magpakahaon, tulad ng naunang apat na libro, sa tradisyunal na paraan ng pagsusulat. Gaya ng inaasahan, litaw na litaw pa rin ang tila estilong postmodern ng awtor sa pagkakabit-kabit ng wika, pagdudugtung-dugtong ng istorya, pagsasama-sama ng impormasyon, seryosong pananaw, at kakaibang eksibisyon ng humor na hinding-hindi kailangang manlimos ng tawa. Nangingibabaw sa nakalimbag na mga letra ang eksaytment ng may-akda sa paglalahad ng panibago niyang obra—pinag-isipan, pinagpaguran, at pinagbuhusan ng kaalaman—na malaya ang mambabasang unawain o pintasan o tangkilikin o ibasura, ni hindi humihingi ng paumanhin. Heto ang nais kong sabihin at ibahagi, bahala ka kung tatanggapin mo, waring binabanggit ni Bob Ong sa kanyang mambabasa. ...