Skip to main content

Posts

Showing posts from 2007

Lubi-Lubi (2006 Rebyu)

KAAKIBAT NA NG PAGSALUBONG SA BAGONG TAON ang pagbabalik-tanaw sa mga nagdaang pangyayari sa nakalipas na labindalawang buwan. Ang nakaraan ay nakaraan na, subalit maraming leksyon ang maaaring mapulot at nawa’y matutunan natin mula rito. Bago natin sulyapan ang mga nag-aabang sa hinaharap, halina’t balikan muna natin ng lingon ang ilang mga kaganapang naging bahagi ng buhay natin sa taong 2006. Samahan ninyo akong gawin ito sa saliw ng awiting Lubi-Lubi. ENERO - Sa maniwala kayo’t sa hindi, nagbukas ang taon na napakaugong na ng isyung Charter Change na isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Panukala na noon pa man ang senaryong No Election sa 2007 upang bigyang-daan ang Cha-cha sa kondisyong bababa sa pwesto si GMA bago mag-2010. Sa buwan ding ito pinahanga ng Pinoy boxer na si People’s Champ Manny “Pacman” Pacquiao ang buong mundo nang pabagsakin sa ikasampung round ng laban nila ang Mehikanong si Eric “El Terrible” Morales noong Enero 22 sa Las Ve...