tulad ng mga ulap lumalakad, bumibigat nagdadala ng kulog at kidlat di mapigilan ang poot walang pagkalma ang nadarama patuloy ang siklo papatak ang luha babagsak ang ulan maghahasik ng galit ang langit ngunit di mapapawi ang panibugho mananatili bukas muli magdidilim salat sa pag-asa lubhang kaunti ang liwanag di napawi ang sakit paulit-ulit maya't maya inaaliw lamang kunwari subalit walang lunas panahon ang gamot panahon ang sagot panahong pabagu-bago umaaraw, bumabagyo lumilipas, kumakaripas nawa, bukas di na ko iiyak *para kay carla July 12, 2010
Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa... - Josue 1:9