tulad ng mga ulap
lumalakad, bumibigat
nagdadala ng kulog at kidlat
di mapigilan ang poot
walang pagkalma ang nadarama
patuloy ang siklo
papatak ang luha
babagsak ang ulan
maghahasik ng galit ang langit
ngunit di mapapawi ang panibugho
mananatili
bukas muli
magdidilim
salat sa pag-asa
lubhang kaunti ang liwanag
di napawi ang sakit
paulit-ulit
maya't maya
inaaliw lamang kunwari
subalit walang lunas
panahon ang gamot
panahon ang sagot
panahong pabagu-bago
umaaraw, bumabagyo
lumilipas, kumakaripas
nawa, bukas
di na ko iiyak
*para kay carla
July 12, 2010
hay, malapit nang mag-isang taon, di ba sir jes? ;)
ReplyDelete