"Ito ang Stainless Longganisa, mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at tamang praan nG pagsususlat,"
Sadyang napakahirap ilarawan ang nilalaman ng ikalimang aklat ni Bob Ong. Hindi ito pumayag magpakahaon, tulad ng naunang apat na libro, sa tradisyunal na paraan ng pagsusulat.
Gaya ng inaasahan, litaw na litaw pa rin ang tila estilong postmodern ng awtor sa pagkakabit-kabit ng wika, pagdudugtung-dugtong ng istorya, pagsasama-sama ng impormasyon, seryosong pananaw, at kakaibang eksibisyon ng humor na hinding-hindi kailangang manlimos ng tawa. Nangingibabaw sa nakalimbag na mga letra ang eksaytment ng may-akda sa paglalahad ng panibago niyang obra—pinag-isipan, pinagpaguran, at pinagbuhusan ng kaalaman—na malaya ang mambabasang unawain o pintasan o tangkilikin o ibasura, ni hindi humihingi ng paumanhin. Heto ang nais kong sabihin at ibahagi, bahala ka kung tatanggapin mo, waring binabanggit ni Bob Ong sa kanyang mambabasa.
Ipinagpapatuloy ng Stainless Longganisa ang nasimulan na, kundi man tinatapos ito upang magpaalam. Mahigit limang taon na ring nananatiling anonymous ang may-akda na pinaninindigan ang pagiging misteryoso, samantalang ipinahahayag ang sarili sa pinakapersonal na paraan. Walang pahiwatig ng panlabas na anyo subalit mababatid ang takbo ng isip at pagkatao. Tunay na isang litrato na naman ng utak ni Bob Ong ang masisilayan sa libro, ngayon higit na makulay, malaki, at malinaw.
Nagsisimula ito sa nagtataeng ballpen na bawat pahina ng aklat ang nagsilbing tapunan. Inuungkat ng susunod na mga bahagi ang pinagmulan ng iba't ibang lenggwahe at alamat ng alpabeto, para sa simpleng puntong napakahalaga ng kontribusyon ng pagkakaimbento ng wika sa lipunan. Bawat salita ay may epektong pamukaw sa tao, depende sa kahulugang binubuo nito sa ating kaisipan.
Punung-puno rin ito ng kuwento tungkol sa napakaraming librong nabasa, binabasa, hindi tinapos ng may-akda, naintindihan man niya o hindi, maaaring naka-impluwensiya't naging paborito basta't lahat ay nakaapekto at nag-iwan ng aral kundi man palaisipan at maraming tanong sa kanya. Kinikilala niya ang mga awtor nito at hinahangaan hindi man ang mismong mga isinulat nila ay ang kanilang lakas ng loob na ipasa-aklat ang mga gawa.
Masasabing tahasang nanghihikayat si Bob Ong na magbasa, magkaroon ng paboritong libro, at kung mahilig magsulat ay maging manunulat. Hindi naiwasang lumabas ang natural na mataas na pagtingin ng awtor sa larangan ng panulat. Mahigit pitong beses niyang sinabing "hindi para sa tamad ang pagsusulat" kasabay ang samu't saring punto’t paliwanag na sapat upang kumbinsihin ang sinuman.
Bilang haylayt, laman nito ang mga karanasan sa likod ng mga naunang nailathala niyang aklat: ABNKKBSNPLAko?!, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro ni Hudas, at Alamat ng Gubat. Inilatag niya ang tagpi-tagping kasaysayan kung paanong ang tinta’y naisalin sa papel, nailagak sa bukstor, at nakaaabot sa kamay ng mga Pilipino. Kapana-panabik ang mga eksena at marami munang pinagdaanan bago nakapaghatid ng aklat na ikalilibang, pagtatawanan, at ikabubulabog ng payapang utak ng mga naakit nang mambabasa, na karamihan ay kabataan.
Samakatuwid, nilalagom ng Stainless Longganisa ang masasarap na putaheng nauna nang inihain ni Bob Ong na wala pa rin ni kapirasong bahid ng kalawang hanggang sa kasalukuyan.

Comments
Post a Comment