KAAKIBAT NA NG PAGSALUBONG SA BAGONG TAON ang pagbabalik-tanaw sa mga nagdaang pangyayari sa nakalipas na labindalawang buwan.
Ang nakaraan ay nakaraan na, subalit maraming leksyon ang maaaring mapulot at nawa’y matutunan natin mula rito. Bago natin sulyapan ang mga nag-aabang sa hinaharap, halina’t balikan muna natin ng lingon ang ilang mga kaganapang naging bahagi ng buhay natin sa taong 2006. Samahan ninyo akong gawin ito sa saliw ng awiting Lubi-Lubi.
ENERO - Sa maniwala kayo’t sa hindi, nagbukas ang taon na napakaugong na ng isyung Charter Change na isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Panukala na noon pa man ang senaryong No Election sa 2007 upang bigyang-daan ang Cha-cha sa kondisyong bababa sa pwesto si GMA bago mag-2010.
Sa buwan ding ito pinahanga ng Pinoy boxer na si People’s Champ Manny “Pacman” Pacquiao ang buong mundo nang pabagsakin sa ikasampung round ng laban nila ang Mehikanong si Eric “El Terrible” Morales noong Enero 22 sa Las Vegas. Lahat ng Pilipino ay naging proud dahilan sa ipinakitang kagitingan at nakamit na tagumpay ni Pacman.
PEBRERO - Naging mainit ang tensyon sa pagitan ng Senado at Palasyo dahil sa Executive Order 464 na nagbabawal dumalo sa sinumang opisyal ng gabinete sa hearing sa Senado nang walang pahintulot ng pangulo.
Simpleng-simple lamang ang inihandang pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng People Power Revolution dahil sa banta umanong pagpapatalsik kay GMA. Nagdeklara ng State of Emergency ang pangulo sa bisa ng Proclamation 1017 na nagmistulang anino ng Martial Law, dahil samu’t saring karapatang-pantao ang nalabag sa pagsunod ng pulis at militar sa General Order No. 5 na layon umanong protektahan ang estado.
MARSO - Sa resulta ng survey ng Pulse Asia, 65 porsyento ang nais matanggal si GMA sa pagkapangulo subalit hindi malinaw at iba-iba ang panukalang senaryo kung mangyayari nga ito.
ABRIL - Nakumpleto na ang pirmang kinakailangan umano upang baguhin ang Konstitusyon sa pamamagitan ng People’s Initiative. Pinangunahan ng Union of Local Authorities of the Philippines at Sigaw ng Bayan ang pangangalap ng mga lagda.
Naisabatas ang anti-terror bill. Pinakamalaking amendment dito ang hindi na pagpapataw ng parusang kamatayan sa sinumang magkakasala ng terorismo.
Pinag-usapan din ang panukalang National ID System na makatutulong umano at magpapabilis sa mga transaksyon ng mga Pinoy sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
MAYO - Nagdiwang ang buong bansa nang marating ni Leo Oracion noong Mayo 17 ang tuktok ng Mt. Everest. Sinundan ito ng tagumpay din nina Erwin Emata at Romy Garduce na maakyat ang tuktok ng itinuturing na “Bubong ng Daigdig.”
HUNYO - Sa pagbubukas ng klase, sinalubong ang estudyante ng mga “kakulangan,” at dahil kulang din daw ang kaalaman ng mga kabataan sa usaping reproductive health ay iminungkahi ang paglalagay nito sa Kurikulum ngunit marami ang tumutol dito.
HULYO - Maraming Pinoy ang hindi agad nakalikas kahit patuloy ang pag-atake ng Israel sa Lebanon. Nagtiis sila roon sa kabila ng mga pambobomba na malaking banta sa buhay ng mga Pinoy OFWs.
Naging haylayt naman ng State of the Nation Address ni GMA ang papuri’t pasasalamat sa mga kaalyado at ang panukalang hatiin ang Pilipinas sa limang “super regions” para umano sa mabilis na paglago ng ekonomiya.
AGOSTO - Kinaharap ng mga bagong nurse ang pinakamalaking eskandalo at pagsubok dahil sa batch umano nila’y may naganap na leakage sa board exam. Hindi sila agad nakapanumpa sapagkat hindi nga malaman kung sino talaga ang pumasa rito at hindi.
Naganap ang binansagang “pinakamalalang oil spill sa kasaysayan ng Pilipinas” noong Agosto 11 nang lumubog ang MT Solar I oil tanker malapit sa isla ng Guimaras.
SETYEMBRE - Umabot sa napakataas na bilang ang mga biktima ng extrajudicial killings sa bansa sa administrasyon ni GMA. Mahigit 700 ito at mas mataas sa pinagsama-samang bilang ng biktima sa rehimeng Aquino hanggang Estrada.
Tinanggal na sa listahan ang Pluto bilang isang planeta. Marami ang nagbigay ng reaksyon dito, sumasang-ayon ang iba subalit mayroon ding mga tumututol.
Sa pananalanta ng Bagyong Milenyo, maraming lugar ang napinsala at naging mahalagang paksa ang panukalang ipagbawal na ang mga billboard sa lansangan dahil sa nakita ng sambayanan ang kinahinatnan ng mga ito sa pagdaaan ng nasabing super bagyo.
OKTUBRE - Nagimbal ang mga bansa sa daigdig sa pagpapasabog ng Democratic People’s Republic of Korea noong Oktubre 9 ng nuclear bomb. Nanguna ang mga makapangyarihang bansa tulad ng Japan at US sa pag-iisip ng mga kaparusahang ipapataw sa kapangahasang ito na umano’y tila naghahamon ng digmaan.
Nagmatigas si Makati City Mayor Jejomar Binay matapos patawan ng 60-day preventive suspension ng Department of Interior and Local Government noong Oktubre 17. Nagwagi ang kanyang apela sa Court of Appeals na makuha ang TRO at nagdiwang ang kanyang mga tagasuporta sa umano’y tagumpay na ito laban sa paninikil ng administrasyon.
NOBYEMBRE - Natuklasan ang pagkalat ng mga pekeng barya kaya’t nag-alok ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng malaking reward para sa impormasyon ukol dito.
Muling pinasaya ni Pacquiao ang Pinoy nang talunin nito at pabagsakin si Morales sa kanilang Grand Finale trilogy noong Nobyembre 19. Muli ring sinakyan ng mga pulitiko ang kasikatang ito ng boksingero na halatang inaasam lamang ang suporta niya sa darating na eleksyon.
DISYEMBRE - Sa halip na pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Reming sa Bicol ang inaasikaso ng ating mga lider, ipinamalas nila ang kanilang lubos na pagkaatat na baguhin ang Saligang Batas para sa mga pansariling interes. Subalit, nagback-out din malaon (pansamantala) ang mga mambabatas ng administrasyon sa pagsusulong ng Constituent Assembly dahil marahil sa takot sa reaksyon ng taumbayan. Nagpatawag pa ng malawakang prayer rally ang Catholic Bishops Conference of the Philippines at hiniling ang Character Change.
Sa huling mga araw naman ng taon, lumabas sa survey ng Social Weather Stations na siyam sa bawat 10 Pinoy o 90 porsyento ang sasalubong sa taong 2007 nang may pag-asa.
Ganyan naman talaga ang Pinoy, sa kabila ng anumang kagipitan, kagutuman, trahedya, at iba pang negatibong pangyayari sa bansa ay hindi nawawalan ng pag-asa. Magbabaon at magbabaon ng ngiti sa anumang panibagong destinasyon o panahong naghihintay.
Year of the Fire Pig ang 2007. Ang Baboy daw ay simbolo ng kasaganaan at kayamanan. Dalangin kong ito nga ang maranasan ng karamihang Pilipino at hindi ng iilan lamang.
LUBI-LUBI...
Manigong Bagong Taon sa lahat!

Comments
Post a Comment